Naging matagumpay ang isinagawang payout para sa emergency response for flood in BARMM sa tatlong barangay na sakop ng Lokal na Pamahalaan ng Pagalungan, Maguindanao del Sur kahapon ng umaga.
Saklaw ng naturang payout sa isang kilalang pawnshop ang mga biktima na nakatira sa Barangay Linandangan, Galakit at Poblacion. Kasabay nito, pinasalamatan naman ng Pagalungan LGU ang MSSD-BARMM sa mga ayuda na natanggap nito.
Personal naman na tinanggap ni Pagalungan Vice Mayor Datu Abs Mamasabulod kasama ang hepe ng MDRRMO na si Benjamin Alip ang mga items at katuwang naman nila ang pulisya at militar sa naturang pagtanggap.