Patuloy ang imbestigasyon sa pagpatay kay Kagawad Joel Magud noong Oktubre 17 at sa pamamaril kinabukasan, Oktubre 18, sa Datu Unsay, Maguindanao del Sur, kung saan nasawi si Cyril Tomas at nasugatan ang miyembro ng Civilian Armed Auxiliary o CAA na si Jayjay Guiaman.
Noong Oktubre 19, nagsagawa ng koordinasyon at follow-up ang Ministry of Indigenous Peoples Affairs, sa pamamagitan ng Special Assistance and Legal Aid Division o SPALAD, sa Datu Unsay Municipal Police Station upang alamin ang estado ng imbestigasyon sa dalawang insidente.
Nakipag-ugnayan din ang tanggapan sa mga pamilya ng mga biktima upang magbigay ng suporta at legal na tulong sa paghahanap ng hustisya. Nagpaabot din ang ministeryo ng tulong pinansyal sa naulilang pamilya upang makatulong sa kanilang mga pangangailangan.
Wala pang karagdagang detalye tungkol sa mga suspek at motibo sa likod ng mga insidente sa impormasyong inilabas ng ministeryo.

















