Maaring maharap sa kasong Child Abuse ang nanay na umabandona sa kawawa na si Baby Joshua na napagalamang estudyante ng isang kolehiyo sa bayan ng Makilala, Cotabato.
Nakalatag aniya sa batas ang magiging kaso ng nanay na nagabandona sa bata, ani Makilala MSWD officer Lina Cañedo ngunit nilinaw nila ito na kahit sila ay may karapatang magsampa ng kaso bilang social worker ng ahensya ay hindi nila ito prayoridad.
Nais aniya ng ahensya na mailagay sa maayos na kalalagayan ang bata maging ang pagkakaroon nito ng tinatawag na foster parents habang nais din nilang matutukan ang nanay ni Baby Joshua sa aspetong sikolohikal at medikal dahil posibleng biktima lang ito ng sirkumstansya.
Ayon kay Cañedo, kahit marami ang nagnanais na ampunin ang bata, magiging prayoridad pa rin nila ang nanay ng nasabing bata at kailangan din nito isailalim sa parenting capability assessment kung karapat dapat itong magalaga ng kanyang anak, bagay na ang proseso ay hindi madali.
Ngunit kundi man siya makakapasa, dito na papasok ang prayoridad ng maaring kamaganak na lang ang mag-alaga sa bata lalo’t natukoy na ang nanay nito ay maaring dumanas lamang ng problema habang nagdadalang tao.