Isang maikli pero matapang na reaksiyon ang ibinigay ni Acting Davao City Mayor Baste Duterte sa panawagan ni Philippine National Police (PNP) Chief General Nicolas Torre III para sa mga tagasuporta ng pamilya Duterte.
Matatandaang nanawagan si Gen. Torre na panahon na upang mag-move on at kalimutan na ang mga isyung nangyari sa mga nakaraang buwan.
Dagdag pa ng hepe ng pambansang pulisya, dapat na umanong magkaisa ang lahat para sa kapayapaan at kaayusan ng bansa.
Ngunit sa halip na mahabang paliwanag, isang tahasang “Pakyu!” ang naging sagot ni Baste Duterte — isang tugon na nagsilbing patama at mariing pagtutol sa panawagan ng PNP chief.