Nagbabala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa mga ahensiya ng pamahalaan na huwag subukang magsumite sa kaniya ng maling report kaugnay ng mga proyekto ng gobyerno na kanilang pinangangasiwaan.
Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro, binigyang-diin ng Pangulo na ayaw niyang makatanggap ng mga pinapoging report.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa isang pulong kasama ang kaniyang economic team sa Palasyo.
Iniutos din ng Pangulo na magsumite ang mga ahensiya ng gobyerno ng report sa kaniya kada dalawang linggo.
Ito ay para makita aniya ang progreso ng mga proyekto at matiyak na ito ay umuusad, nagagawa nang tama at natatapos sa tamang oras.
Sinabi ni Castro na bubuo ng mekanismo ang palasyo kung papano mababantayan, at mabi verify na tama ang mga report na isusumite ng mga ahensiya ng pamahalaan.

















