Lumagda si UBJP President at MILF Chairman Al Haj Murad Ebrahim sa isang peace covenant na nakatuon sa pagpapanatili ng mapayapa at maayos na proseso ng halalan sa Bangsamoro.
Inilunsad ang kasunduan ng Duyog Bangsamoro, isang coalition ng mga civil society organization, bilang pagpapakita ng commitment ng mga lumagda sa mapayapang halalan.
Tinatawag itong “Covenant of Commitment Toward Peaceful Elections and the Full Implementation of the Comprehensive Agreement on the Bangsamoro.”
Saklaw din ng covenant ang patuloy na pagpapatupad ng mga probisyon ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro o CAB.
Layunin ng kasunduan na pagtibayin ang paninindigan ng mga lumagda para sa isang mapayapang proseso ng halalan at sa pagpapatuloy ng mga nakapaloob na kasunduan sa CAB.

















