Walang dahilan upang di matuloy ang nakatakdang plebesito sa (2) dalawang bayan partikular na sa Sultan Kudarat at Datu Odin Sinsuat ngayong buwan.

Sa panayam kay BARMM Cabinet Secretary at tumatayong tagapag-salita Mohd Asnin Pendatun, tuloy ang magiging plebesito sa dalawang bayan hangga’t hindi sila pinipigilan o binibigyan ng dokumento na nagpapatigil dito.

Ito ay kasunod ng mga napapabalitang pagsasampa ng TRO o Temporary Restraining Order ng mga grupo na di pabor sa naturang plebesito.

Ayon kay Pendatun, gagawin pa rin nila sa BARMM Government ang lahat ng tagubilin ng komisyon ng halalan at susundin nito kung ano ang nakasaad sa resulusyon ng komisyon.