Nakatakdang magsagawa ng power interruption ang Cotabato Light and Power Company bukas, Agosto 16, 2026, dahil sa scheduled interruption ng NGCP at maintenance activities ng kompanya.

Ayon sa advisory, unang mararanasan ang power interruption mula alas-5 hanggang alas-6 ng umaga sa buong Cotabato Light franchise area dahil sa NGCP interruption.

Muli namang mawawalan ng suplay ng kuryente ang buong franchise area mula alas-6 hanggang alas-7 ng gabi dahil pa rin sa NGCP interruption.

Samantala, isasagawa rin ang maintenance activities ng Cotabato Light mula alas-6 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon, na makaaapekto sa Bagua 2, Bagua 1, Bagua Mother, Poblacion 6 at mga kalapit na lugar.

Pinapayuhan ang mga residenteng maaapektuhan na magsagawa ng kinakailangang paghahanda bago ang itinakdang power interruption.

Humingi naman ng paumanhin ang Cotabato Light sa abalang maaaring idulot ng naturang aktibidad at humingi ng pang-unawa at pasensya ng mga apektadong customer.