Arestado ang Rank 4 Municipal Most Wanted Person sa Surallah, South Cotabato matapos isilbi ng mga pulis ang warrant of arrest laban sa kanya noong Setyembre 21, 2026.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Bake,” 51-anyos, isang magsasaka at residente ng Sitio Upper Talahik, Barangay Talahik, Surallah, kung saan siya naaresto bandang alas-5:30 ng hapon.

Ayon sa Police Regional Office 12, may warrant of arrest laban sa suspek kaugnay sa kasong homicide na inilabas ng Regional Trial Court sa Surallah noong Agosto 24, 2026.

Nakatakda ang piyansa sa P120k sa bawat bilang ng kaso.

Dinala ang suspek sa Surallah Municipal Police Station para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon. Sinabi naman ni Police Regional Director PBGEN Alan B. Manibog na resulta ng tuloy-tuloy na intelligence gathering, maayos na pagpaplano at koordinasyon ng mga pulis ang matagumpay na pag-aresto.