Isinumite na ng grupong Free Mindanao Movement (FMM) sa United Nations ang mga regional resolution na bumubuhay sa isang deklarasyon noong 1986 na nagsusulong ng hiwalay na estado para sa Mindanao.
Ayon sa FMM, kalakip ng mga dokumentong ipinadala sa United Nations Committee on Decolonization ang mga materyales na naglalatag ng istruktura ng planong Federal Republic of Mindanao, na anila’y mahalaga upang makamit ang tinatawag na “belligerent status” sa ilalim ng international law.
Sinabi rin ng grupo na, batay sa kanilang beripikasyon, nananatili umano sa agenda ng United Nations ang 1986 declaration, dahilan upang magsagawa sila ng isang pagtitipon para sa Mindanao Independence noong Enero 24 sa Tagum City.
Bago ang naturang hakbang, dumaan umano sa konsultasyon at pinal na pulong ng kanilang mga miyembro sa rehiyon ang deklarasyon.
Ang FMM, na bagong tatag na kilusan, ay nagsusulong ng paghihiwalay ng Mindanao mula sa Pilipinas, na itinutulak anila ng mga isyung panlipunan, umano’y pagpapabaya sa pulitika, at pagkakaibang pang-ekonomiya sa rehiyon.
Home Local News Resolusyon para sa Mindanao Independence, isinumite sa United Nations Committee on Decolonization

















