Hindi pa natutukoy ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang ugat ng aberya sa Sultan Kudarat–Datu Saudi Ampatuan 69-kilovolt transmission line na nagdulot ng biglaang power interruption bandang alas-2:28 ng hapon ngayong Lunes, Oktubre 19.
‎
‎Apektado ng pagkawala ng kuryente ang buong service area ng Cotabato Light and Power Company (CLPC) at ang Capiton Substation ng Maguindanao Electric Cooperative (MAGELCO).
‎
‎Ayon sa NGCP, nabigo ang pagtatangkang ibalik sa operasyon ang linya bandang alas-2:45 ng hapon kaya nagpadala na ng mga tauhan sa lugar para sa inspeksiyon at beripikasyon.
‎
‎Patuloy ang pagsisikap ng NGCP na maibalik ang suplay ng kuryente sa lalong madaling panahon, ngunit wala pang inilalabas na tiyak na oras para sa restoration.