Pinangunahan ng Police Regional Office- BAR ang pagsuko sa gobyerno ng potensyal na Private Armed Group na kinilalang Mamadra Group. Ginawa ang surrendering ceremonies sa PRO BAR lounge sa kampo nito sa Camp SK Pendatun sa bayan ng Parang Maguindanao del Norte kahapon.

Nabuo diumano ang grupo taong 2013, armado ng MOL 6 Firearms at may operasyon sa mga Barangay ng Balut at Bungabong sa bayan ng Sultan Mastura.

Mismong si PRO BAR Regional Director BGen. Prexy Tanggawohn kasama ang deputy commander nito na si PBGen Romaldo Bayting ng APC-WM ar si Mayor Zulfikar Ali Panda Sr ng Sultan Mastura ang nagpauna sa nasabing seremonya.

Sa naging mensahe ni RD Tangawohn, pinasalamatan nito ang grupo sa kanilang pagsuko at nagpasalamat din sa mga ahensya ng pamahalaan at ng batas sa naging suporta nito lalo na ng LGU ng Maguindanao Norte.