Lalo pang lumakas ang Severe Tropical Storm ‘Queenie’ at malapit nang pumasok sa kategorya ng isang ganap na typhoon.

Batay sa huling ulat, ang sentro o mata ng bagyo ay natukoy sa layong 575 kilometro sa Silangan Hilagang-Silangan ng Itbayat, Batanes.

Kasalukuyan itong kumikilos sa direksyong Kanluran Hilagang-Kanluran sa bilis na 10 kilometro kada oras (km/h).

Taglay ng bagyong ‘Queenie’ ang lakas ng hanging umaabot sa 110 km/h malapit sa sentro at may pagbugso na umaabot sa 135 km/h.

Patuloy na pinapayuhan ang publiko at ang mga pamahalaang lokal, lalo na sa hilagang bahagi ng bansa, na mag-ingat at subaybayan ang mga susunod na babala ukol sa panahon.