Ipinahayag ng SIAP Cotabato City and SGA Chapter sa pangunguna ng pangulo na si Atty Naguib Sinarimbo ang pagsuporta sa kandidatura ni BTA MP Romeo Sema, MPA, PhD bilang kinatawan ng First District BTA Parliament sa kauna unahang BARMM Parliamentary Elections sa susunod na taon.

Sa naging pahayag ni Sinarimbo, napagkasunduan ng kanilang partido ang pagsuporta sa nasabing paglban ni MP Sema mula sa Partidong BAPA o Bangsamoro Party.

Ang pagsuporta ay inihayag kasabay ng Kamustahan sa Barangay kahapon sa Poblacion 8 ng SIAP Cotabato at pagsali ng RKS o Responsableng Kaagapay sa Serbisyo na programa ng opisina ni MP Sema.