Arestado ang isang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Purok Balabaran, Barangay Tamontaka, Cotabato City noong gabi ng Mayo 18, 2026.
Batay sa ulat ng Police Station 3, CCPO, sa pangunguna ni PCPT AL-GRAHAMMAD B. POMPONG, kasama ang SDET at CPDEU CCPO sa koordinasyon ng PDEA-BARMM, matagumpay na naisagawa ang anti-illegal drugs operation dakong 7:55 PM.
Nasamsam mula sa suspek na alyas “Maer” ang dalawang (2) heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit-kumulang 0.2 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P500.00, habang ang standard drug price nito ay umaabot sa P1,360.00.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay sa naturang operasyon habang muling pinaiigting ang kampanya laban sa ilegal na droga sa lungsod.

















