Arestado ang tatlong katao na inireklamo sa kasong Frustrated Murder sa bayan ng Matanog, Maguindanao del Norte. Ang mga di na pinangalanan ay may edad na 20, 21 at 24 anyos at pawang mga residente ng Sitio Katubo, Barangay Bayanga Sur.

Agad na dinala ang mga binatilyo sa kustodya ng pulisya para sa karampatang disposisyon. Abot sa P200-K ang piyansa ng bawat isa para sa pansamantalang kalayaan ng mga ito.