Magpapatupad ng pansamantalang road closure at traffic rerouting sa Cotabato City sa June 12, 2026, mula alas-2:00 ng hapon hanggang alas-8:00 ng gabi, kaugnay ng ika-67 Araw ng Cotabato Opening Program at pagdiriwang ng Philippine Independence Day.
Ayon sa abiso, isasara ang ilang kalsada kabilang ang Japal Guiani Street mula sa tapat ng Jollibee at Fujifilm hanggang sa bahagi ng BPI Cotabato Branch. Sarado rin ang Sinsuat Avenue mula Red Ribbon Bakeshop hanggang sa paligid ng Development Bank of the Philippines, gayundin ang Alejandro Dorotheo Street mula Cotabato Puericulture Center & General Hospital Foundation hanggang gate ng Cotabato City Central Pilot School.
Para naman sa rerouting, ang mga sasakyan mula Don Rufino Alonzo Street ay dadaan sa Japal Guiani Street patungong Jose Lim Sr. Street. Ang mga rerouted vehicles ay itutuloy ang biyahe papuntang Salipada K. Pendatun Street.
Pinapayuhan ang mga motorista na umagang umalis o maglaan ng karagdagang oras sa biyahe, gumamit ng alternatibong ruta, at sumunod sa mga traffic personnel na naka-duty sa lugar.
Nagpaabot ng paalala ang mga otoridad ng pasasalamat sa kooperasyon ng publiko habang isinasagawa ang selebrasyon ng ika-67 Araw ng Cotabato at Araw ng Kalayaan.

















