Nag-iwan ng tatlong sugatan aksidente na kinasangkutan ng isang truck na may kargang semento sa Barangay Pura, Penansaran, Datu Blah Sinsuat Maguindanao del Norte nitong weekend.

Kinilala ang mga sugatan sa pangalang Dende Marcos, Zaida Subulan at isang di pa batid ang pagkakakilanlan na pawang residente ng Datu Blah Sinsuat sa kaparehas na lalawigan.

Sakay ang mga ito ng isang puting elf truck na kargado ng mga semento na galing pa sa bayan ng Upi patungo ng DBS ng bigla itong mawalan ng preno dahilan upang mahulog ito sa bangin ng katabing kalsada.

Naisugod sa bahay pagamutan ang mga biktima upang malapatan ng paunang lunas habang iniimbestigahan naman ng mga autoridad ang insidente.

Dahil dito, nagpaalala naman sa mga byahero ang mga may kapangyarihan na laging magiingat sa pagmamaneho at itsek ang sasakyan bago lumarga upang makaiwas sa mga disgrasya.