Itinaas ng mga awtoridad ang Tsunami Warning matapos ang malakas na 7.6 magnitude na lindol na yumanig sa bahagi ng Davao Oriental nitong Biyernes ng umaga, Oktubre 10, 2025.
Dahil dito, naglabas ng Tsunami Information No. 1 ang mga awtoridad bilang babala sa mga baybaying lugar na posibleng maapektuhan ng pagtaas ng tubig-dagat.
Pinapayuhan ang mga residente sa mga coastal areas ng Davao Region at karatig-lalawigan na agad na lumikas patungo sa mas matataas na lugar at sundin ang mga abiso ng lokal na pamahalaan at mga emergency agency.
Patuloy namang binabantayan ng Phivolcs at ng mga kaukulang ahensya ang sitwasyon habang hinihikayat ang publiko na manatiling kalmado at huwag magpakalat ng hindi beripikadong impormasyon.