Nakiisa ang Maguindanao del Sur Police Provincial Office o MDSPPO sa simbolikong turnover ng mga maliliit na armas at light weapons bilang suporta sa pagsusulong ng kapayapaan at normalization process sa Bangsamoro Region.
Kinatawan ng MDSPPO si Deputy Provincial Director for Operations PLTCOL Glenn Mar B. Avisa sa aktibidad, kasama ang mga opisyal ng 6th Infantry Division, 90th Infantry Battalion, mga lokal na opisyal, miyembro ng Bangsamoro Parliament, at mga kinatawan ng MILF Coordinating Committee on the Cessation of Hostilities at Government of the Philippines Joint Normalization Committee.
Binigyang-diin sa aktibidad ang kahalagahan ng pagtutulungan ng mga ahensiya ng pamahalaan, lokal na pamahalaan, at mga katuwang sa prosesong pangkapayapaan upang mapalakas ang seguridad ng mga komunidad at maisulong ang responsableng pamamahala sa mga armas.
Ayon sa MDSPPO, patuloy itong makikiisa sa mga hakbang para sa kapayapaan, seguridad, at pagpapanatili ng kaayusan sa Maguindanao del Sur.

















