Nagsama-sama ang mga residente at ilang nominado ng United Bangsamoro Justice Party o UBJP para sa Community Forum ngayong Setyembre 1 sa Nuro, Upi, Maguindanao del Norte.
Kabilang sa mga dumalo si MILF Vice Chairman, UBJP Vice President at Member of Parliament Mohagher Iqbal, kasama ang ilang UBJP nominees at sectoral representatives.
Layunin ng pagtitipon na magkaroon ng talakayan at palakasin ang pakikipag-ugnayan sa pagitan ng mga lider at komunidad, lalo na ngayong papalapit ang Bangsamoro Parliamentary Elections.
Inaasahan naman ang pagdating ni MILF Chairman at UBJP President Al-Haj Murad Ebrahim para sa pakikipag-ugnayan sa mga residente at iba pang kalahok.
Patuloy ang pagtitipon habang hinihintay ang pagsisimula ng programa, na nakatuon sa pagkakaisa at pagsusulong ng iisang kinabukasan para sa Bangsamoro.

















