Dinaluhan ng mga Ulama at mga graduate mula sa mga unibersidad sa Egypt, Sudan, Libya at Pakistan ang isinagawang UBJP Ulama General Assembly.

Layunin ng pagtitipon na palakasin ang ugnayan ng mga Ulama, gayundin ang pagbabahagi ng kanilang mga kaalaman at karanasan mula sa iba’t ibang institusyong pang-edukasyon sa ibang bansa.

Tinalakay rin sa pagtitipon ang mahalagang papel ng mga Ulama sa paggabay at paglilingkod sa kanilang mga komunidad, partikular sa pagsusulong ng pagkakaisa at maayos na pamamahala sa Bangsamoro.

Binigyang-diin sa aktibidad na bagama’t magkakaiba ang pinagmulan at lugar kung saan nagtapos ang mga kalahok, nagkakaisa sila sa paggamit ng kanilang kaalaman at karanasan para sa kapakanan ng komunidad.

Bahagi rin ng pagtitipon ang pagpapalakas ng koordinasyon at ugnayan ng mga Ulama bilang paghahanda sa kanilang patuloy na paglilingkod sa Bangsamoro.