Ayon sa ulat, ang Easterlies ay nakakaapekto sa buong Mindanao, kabilang ang BARMM region. Asahan ang bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan, na may kalat-kalat na pag-ulan o pagkakaroon ng mga thunderstorms sa ilang lugar.

Nagbabala ang mga awtoridad sa posibleng flash floods at landslides, lalo na kung magpapatuloy ang malalakas na pag-ulan sa nasabing rehiyon.