Walo ang patay, dalawa ang nawawala sa patuloy na pagbaha sa rehiyon sa ulat na nakarating sa Bangsamoro READi, walo ang patay sa patuloy na nararanasang pagbaha sa BARMM partikular sa Matanog Maguindanao Norte na may 6 na naitala, Pagalungan Maguindanao Sur na may 1 na nasawi habang 2 naman ang naiulat sa Kapatagan Lanao Sur.

Samantala, dalawa naman ang kasalukuyang hinahanap bilang Missing sa Balabagan sa Lanao Sur habang 21 barangay naman, 19 sa Matanog Maguindanao Norte at 2 naman sa Balabagan Lanao Sur ang apektado ng nasabing kalamidad.