Nakiisa ang Ministry of Public Order and Safety o MPOS-BARMM sa isinagawang Walk for Humanity na pinangunahan ng Philippine Red Cross Cotabato City–Maguindanao Chapter noong Agosto 12, 2026, bilang bahagi ng paggunita sa International Humanitarian Law o IHL 2026.
Nagsimula ang aktibidad sa Cotabato State University Grandstand at nagtapos sa lobby ng Cotabato People’s Palace sa Barangay Rosary Heights 10, Cotabato City.
Layunin ng aktibidad na palakasin ang pagkakaisa at kamalayan ng komunidad sa mga pagpapahalagang makatao, kabilang ang paggalang sa humanitarian values at pagtutulungan para sa kapayapaan at kaligtasan.
Patuloy namang isinusulong ng MPOS-BARMM ang pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan, gayundin ang proteksyon sa komunidad at pakikipagtulungan para sa ligtas at mapayapang mga pamayanan sa Bangsamoro.

















