Arestado ng mga awtoridad ang isang 41-anyos na wanted person sa isinagawang joint manhunt operation sa Purok Rang-Ay, Barangay Poblacion, Lambayong, Sultan Kudarat.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Kato,” may-asawa at residente ng Sitio Baumol, Barangay Pidtiguian sa nasabing bayan.

Isinagawa ang operasyon bandang alas-9:55 ng umaga kahapon, Agosto 27, 2026, sa pangunguna ng Lambayong Municipal Police Station o MPS, katuwang ang iba pang law enforcement units.

Naaresto ang suspek sa bisa ng dalawang warrant of arrest na inisyu noong Hulyo 6, 2023, para sa kasong Qualified Trespass to Dwelling at Grave Threat.

May inirekomendang piyansa na P36,000 para sa bawat kaso.

Ayon sa Police Regional Office 12, patuloy na palalakasin ang ugnayan ng pulisya at komunidad upang mapabilis ang pagtukoy at pag-aresto sa mga wanted person, alinsunod sa batas at paggalang sa karapatang pantao.