Patuloy na nakaaapekto ang Easterlies sa malaking bahagi ng Mindanao na nagdudulot ng pagbabago sa lagay ng panahon sa rehiyon.
Ayon sa ulat, makararanas ng maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang Zamboanga Peninsula at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) dahil sa naturang weather system.
Nagbabala rin ang weather bureau sa posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa, lalo na sa mga lugar na makararanas ng katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan.
Samantala, ang natitirang bahagi ng Mindanao ay inaasahang magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may mga isolated rainshowers o thunderstorms.
Pinapayuhan ang publiko na maging alerto sa posibleng biglaang pag-ulan at pag-iingat sa mga apektadong lugar.

















