Arestado ang dalawang lalaki matapos mahulihan ng tinatayang ₱7 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency-BARMM sa Barangay Making, Parang, Maguindanao del Norte nitong Lunes, Agosto 11.

Kinilala ang mga suspek na sina Kintang Badal, residente ng Talayan, Maguindanao del Sur, at Alinor Inidal mula Matalam, North Cotabato.
Nasamsam sa kanilang posisyon ang 20 jumbo sachet ng umano’y shabu na aabot sa halagang mahigit ₱7 milyon.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.