Sa pagtatapos ng 29th Police Community Relations month sa rehiyon, ginawaran ng PRO-BAR ng medalya ang mga commissioned, non commissioned pati na rin ang mga NUP na tauhan nito.
Naganap ang paggawad ng medalya kanina sa kampo BGEN Salipada K Pendatun sa Parang Maguindanao Norte.
Pinangunahan ito ng direktor ng PROBAR na si BGen Prexy Tanggawohn at ang pangunahing tagapagsalita ng naturang seremonya na si NAPOLCOM BARMM OIC Atty. Fahd Candao.
Sa naging talumpati ni Candao, ang temang Ligtas ka sa Bagong Pilipinas ay ang pagkakaroon ng kolaborasyon at tiwala ng mamamayan at ng kapulisan.”
Pinangaralan sa nasabing pagtitipon ang mga natatanging personahe ng PNP at NUP dahil sa kanilang di matatawarang ambag sa pagpapalakas ng Police Community Relations na sya ring nagbigay ng malaking tulong sa pagtupad ng layunin at mithiin ng kapulisan na “To Serve and Protect.”
Ginawaran ng Medalya ng kasanayan ang mga sumusunod na indibidual:
- Sulu Police Provincial Director Colonel Narciso Paragas
- RCADD Assistant Chief PLTCOL Melbeth Mondaya
- PEMS Mary Jane Perez ng Cotabato City Police Office
- PSSG Kim Lucky Cinco ng Parang Municipal Police Station
- at NUP Jose Daraug Jr. ng Lamitan City Police Station.
Ipinagdiriwang tuwing Hulyo ang PCR Month sa bisa ng nilagdaang Presidential Proclamation Number 764 upang mas mapahalagahan ang pakikipagugnayan ng Napolcom at Pulisya sa komunidad na may layuning pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.