Bigong makapasok sa medal race ang pambato ng Pilipinas sa rowing na si Joanie Delgaco kung saan naging pang anim lamang ito matapos ang kanyang laro sa Women’s Single Sculls Quarterfinal 3 para pa rin sa nagpapatuloy na Paris Olympics 2024.

Sa naging panayam ng Star FM Dagupan sa coach nito na si coach Ed Maerina, ibinahagi nito na hindi man naging mapalad ang kanyang alaga ay natutuwa parin ito sa ipinakitang dedikasyon.

Samantala magkakaroon parin ito ng laro para sa semifinals c/d ng rowing para sa ranking.

Nagbigay naman ng pasasalamat si coach Ed Maerina sa lahat ng mga Pilipinong sumosuporta sa lahat ng mga atletang patuloy na lumalaban para sa gintong medalya sa Paris Olympics.