Sasabak si Filipina tennis star at World No. 20 na si Alex Eala sa Toray Pan Pacific Open sa Tokyo, Japan, na magsisimula sa Oktubre 26, 2026.
Sa unang round ng torneo, makakaharap ni Eala ang 17 year old na British player na si Mika Stojsavljevic, kasalukuyang World No. 308 ng Women’s Tennis Association (WTA), na nagtala ng career-high ranking na World No. 261.
Matatandaang nagtapos ang kampanya ni Eala sa Ningbo Open noong Oktubre 22 matapos matalo kay Diana Shnaider sa Round of 16. Nagtapos ang kanilang laban sa iskor na 5-7, 6-4,.
















