Sa tindi ng lindol na yumanig sa lalawigan ng Cebu noong Setyembre 30, maging ang mga libingan sa New Corazon Cemetery sa Barangay Sambag ay hindi nakaligtas sa pinsala. Ilang nitso at bone chamber ang gumuho at bumukas dahil sa lakas ng pagyanig.

Tinatayang may mahigit isang libong nitso sa naturang sementeryo, kaya’t patuloy pa ring inaalam ng mga awtoridad ang kabuuang lawak ng pinsala.

Nanawagan ang pamunuan ng barangay sa mga pamilya ng mga nakalibing na personal na silipin ang kalagayan ng mga puntod ng kanilang mga mahal sa buhay, lalo na’t marami sa mga ito ang nasira o nabasag matapos ang lindol.

Patuloy namang nagsasagawa ng post-quake monitoring ang mga kinauukulan upang matiyak ang kaligtasan ng lugar at maagapan ang posibleng pagguho ng iba pang bahagi ng sementeryo.

All photo credits to Jacqueline Hernandez / Rappler