Patuloy ang pag eensayo at naging mas inspired ang Philippine Lawn Bowls sa Juniors Division ng bansa matapos makapag sigurado ito ng mga gold sa nagpapatuloy na Lion City Cup 2024 sa Singapore.

Dahil sa naabot ng Seniors Division ng team ng bansa ay makapag bigay ito ng headstart sa Juniors Division ng bansa sa sila naman ang lalaban sa papalapit na buwan ng Nobyembre sa juniors cup ng naturang sport .

Sa exclusive interview ng Star FM Bacolod kay Philippine lawn bowls gold medalist sa Singapore na si Elmer Abatayo sinabi nito na patuloy na hinahasa nila ang mga juniors lalo na at sila ang susunod sa kanilang yapak.