Kulong ang isang construction worker matapos makuhanan ng iligal na droga sa ikinasang drug buy bust operation sa Gampis, Sicayab nitong syudad.

Ang di pinangalanang suspek na isang 38 anyos na lalaki at residente ng lugar ay nakuhanan umano ng nasa 10 gramo ng iligal na droga na may standard drug prize na P/68,000.00

Base sa report, isinagawa ng mga tauhan ng ZN Drug Enforcement Unit, Dipolog City Police station at iba pang mga ahensya ang operasyon.
Kasama rin sa mga nakumpiska ang isang 500 bill na buy bust money, P/1,200.00,cellphone at ilang mga drug paraphernalia.


Sa ngayon ay temporaryo itong nakakulong sa Dipolog City Police station habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165 o the comprehensive Dangerous drugs act of 2002.