Malugod na tinanggap ni MILF Central Committee Chairman at UBJP Party President Al Haj Murad Ebrahim ang pagbisita sa kanilang tanggapan ng mga kaanak ni yumaong Bangsamoro Transition Authority Parliament Speaker Atty. Pangalian M. Balindong.
Naganap ang pagbisita sa tanggapan ng dating Chief Minister sa Camp Darapanan, Sultan Kudarat Maguindanao Norte kamakailan, kasama ng mga kaanak ni Speaker Balindong ang mga lokal na opisyales mula sa Lanao del Sur na siyang lugar at balwarte ng namayapang speaker of the parliament.
Ayon sa pamilya ni Speaker Ali, nakadama aniya sila ng katiwasayan sa paggunita sa paglalakbay ng mambabatas kasama ang dating Chief Minister Ebrahim na nangakong ipagpapatuloy ang legasiyang iniwanan ni Balindong para sa rehiyon ng Bangsamoro.
Sa huli, nanawagan naman si Chairman Murad sa mga hinarap nitong local chief executives at mga opisyal ng Lanao Sur na itaguyod ang pagkakaisa, tulungan at integridad at binigyan diin nito na sa pamamagitam lamang ng mga nabanggit ay makakamit ng Bangsamoro ang sariling pagpapasya, pangmatagalang kapayapaan at makatuwirang katarungan.