Patay sa pamamaril habang nagsasagawa ng live broadcast sa kanyang FB account ang kapitan ng Tres Mayos sa Digos City kagabi.

Bago maganap ang pagpatay, ibinulgar sa FB live ni Kapitan Oscar “Dodong” Bukol Jr. ang mga katiwalian ng kasalukuyang administrasyon ng syudad.

Nagestima din ito ng mga bisita sa kanyang pamamahay habang naka FB live ng maganap ang pamamaril at ang huli nitong ginawa ay panawagan ukol sa nawawalang wallet na isinurrender sa kanya.

Nakahingi pa ito ng tulong sa mga kapamilya nito na nasa loob ng pamamahay hanggang sa ito ay humandusay at tumimbuwang.

Dead on arrival ng dalhin sa pagamutan ang kapitan dahil sa tinamo nitong bala ng baril sa katawan.

Agad naman na naglabas ng pakikiramay ang LGU Digos sa pagpaslang sa nasabing kapitan at sinabi ng LGU na malaking kawalan sa kanilang komunidad ang kapitan at hangad ng siyudad ang hustisya sa pagkakasawi ni Kapitan Bukol.