20 plus 1 na mga barangay ang mananatiling nasa administrasyon at kaalyado ni Cotabato City Mayor Bruce Matabalao.
Ito ang ipinagmamalaki ni Matabalao sa naging panayam sa kanya ng mga mamamahayag sa Tilagad sa Barangay ngayong araw sa Barangay Rosary Heights 7.
Ani Matabalao, nagpapasalamat sya sa mga nakipagkaisang Barangay sa kanyang administrasyon at kung sino man ang gustong makipagkaisa o maging kaalyado ng kanyang administrasyon ay welcome pa rin.
Sa huli sabi ni Matabalao na ang kanyang administrasyon ay Para sa Lahat at nananatiling nakikipagkaisa sa mga barangay na ang gusto ay kapayapaan at pag-unlad para sa lahat.