Nadiskubre sa inspeksiyon ni MBHTE Minister Atty. Naguib Sinarimbo ang 1,304 Android tablets na nakalaan sana para sa mga mag-aaral ngunit nakatengga sa bodega ng ministeryo sa Cotabato City matapos iulat na hindi na gumagana ang mga ito.
“We inspected the warehouses for today because I submitted the inventory of goods, all the supplies that are here in the warehouses of MBHTE. Because first, internally in the office, there are those who complain that there are no items, the pen and paper are not enough, others are not enough. We talked to the school’s division superintendent with their complaints that the teacher’s kit, learner’s kit, and other supposedly items are not reaching the schools.” Ayon kay Minister Atty. Naguib Sinarimbo sa isang panayam.
Ayon kay Sinarimbo, may mga tablet na hindi na nagcha-charge at ang ilan ay hindi na talaga umaandar, kaya hindi napakinabangan ng mga estudyante ang mga kagamitang naihatid pa noong 2022.
“So we checked, based on our inventory, there are items that are still in our warehouse, that are still under ARMM. So that’s 2018 backwards. Then, there are items that are still in 2022, that are still in the warehouse, that we haven’t delivered to the schools, to the teachers.” Ani Atty. Sinarimbo
Bukod sa mga tablet, natuklasan din sa mga bodega ang mga computer set, libro, teacher’s kits, learner’s kits, school supplies at iba pang kagamitan na hindi pa naipamamahagi sa mga paaralan, kabilang ang ilang supply na nagmula pa sa panahon ng ARMM.
So, I feel that we need to check that right away so that we can move the inventory. These goods should reach where they should reach. The tablet that we managed to reach in the warehouse is a 2022 delivery, and it’s over 1,000, 1,304 units that are no longer working. Dagdag pa ni Atty. Sinarimbo
Inihayag ng ministro na ang inspeksiyon ay isinagawa matapos makatanggap ng mga reklamo mula sa mga kawani at school division superintendent hinggil sa kakulangan ng mga kagamitan sa mga opisina at paaralan, sa kabila ng mga nakaimbak na supplies sa bodega.
Mayroon ding mahigit isang libong desktop computer na dumating noong 2023 na hindi pa umano naipagkakaloob sa mga paaralan at tanggapan, habang ang ilan sa mga nakaimbak na kagamitan ay posibleng nasira na dahil sa matagal na pagkakatengga.
Ipinag-utos ni Sinarimbo ang pag-uuri ng mga kagamitan ayon sa taon ng pagdating at agarang paggalaw sa mga maaari pang mapakinabangan, upang maiwasan ang karagdagang pagkasira at matiyak na makarating ang mga ito sa mga paaralang nangangailangan.
Ipinasusuri rin ang mga defective tablets upang matukoy kung maaari pang kumpunihin o maipaayos sa supplier sa ilalim ng warranty, habang patuloy na iniimbestigahan at inaayos ang iba pang natuklasang problema sa imbentaryo ng ministeryo.
It’s a waste of those items. So let’s fix it so that it can be moved immediately. Panghuling mensahe ni MBHTE Minister MP Atty. Naguib Sinarimbo

















