Isang limang taong gulang na estudyante ng kindergarten ang nasawi matapos umano siyang matamaan ng stray bullet sa loob ng kanyang silid-aralan sa Damabalas Elementary School nitong umaga ng Pebrero 11, 2026.

Ayon sa ulat, bandang 8:48 ng umaga, si Farhadin, residente ng Datu Salibo, ay biglang bumagsak sa classroom habang nagaganap ang barilan sa Olandang SGA.

Agad na nagtungo sa lugar ang mga tauhan ng Datu Piang MPS sa pangunguna ni PCPT Oriel A. Siangco upang i-verify ang insidente at isagawa ang dokumentasyon, pagkuha ng litrato, at marking sa lugar ng pangyayari.

Pagkatapos ng imbestigasyon, dinala ng pamilya ang katawan ni Farhadin para sa agarang libing ayon sa Islamic religious practices.

Ang trahedyang ito ay muling nagpapaalala sa panganib ng karahasan at barilan sa komunidad, at sa pangangailangan ng mas mahigpit na seguridad upang maprotektahan ang mga bata at sibilyan.