Sa halip na dagsa at pila, tila mas nanaig ang katahimikan sa ilang lodging houses sa Lungsod ng Cotabato ngayong Araw ng mga Puso, bagay na ikinagulat ng ilang establisimyento na sanay sa punuan tuwing Pebrero 14.
Sa panayam ng 93.7 Star FM Cotabato, sinabi ni “J.R.,” isang trabahante ng isang lodging house sa lungsod, na malaki ang ipinagbago ng sitwasyon kumpara noong nakaraang taon kung saan karaniwan na ang sunod-sunod na “short time” mula umaga hanggang hapon at may mga naghihintay pang customer sa labas para lamang makapasok.
“Noon, kalimitan short time lang mula umaga hanggang hapon at marami ang nag-aabang para makapasok, minsan hinihintay pa nila ang mga taong nasa loob, pero ngayong mangilan-ngilan at mahina,” pahayag ni Dodong.
Hindi pa malinaw kung ang pagbaba ng bilang ng kliyente ay dulot ng paghihigpit sa gastos, pag-iwas ng mga kabataan, o mas piniling selebrasyon sa mga restaurant at pampublikong lugar, ngunit kapansin-pansin umano na hindi na ito katulad ng nakasanayang eksena tuwing Valentine’s Day.
Samantala, patuloy namang umaasa ang ilang may-ari ng lodging houses na babawi ang bilang ng kanilang kostumer sa mga susunod na oras bago matapos ang selebrasyon ng Araw ng mga Puso.

















