Ipinabatid ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao na suspendido ang klase sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa buong munisipyo ngayong araw, Pebrero 20, 2026, dahil sa masamang lagay ng panahon.

Ayon sa MDRRMO, pinapayuhan ang lahat ng residente na manatiling maingat at alerto, at sumunod sa mga hakbang pangkaligtasan na ipinatutupad ng lokal na pamahalaan upang matiyak ang proteksyon ng bawat isa.

Dagdag pa ng MDRRMO, patuloy nilang minomonitor ang sitwasyon at hinihikayat ang publiko na subaybayan ang opisyal na anunsyo mula sa Pamahalaang Bayan para sa karagdagang impormasyon at update.