Iginiit ni Senator Juan Miguel Zubiri na may mga grupong umano’y nais sirain ang peace process sa Mindanao sa pamamagitan ng pagpigil sa pagsasagawa ng halalan sa Bangsamoro region.

‎Ayon kay Zubiri, ang pinakamadaling paraan upang mawasak ang kapayapaan ay ang subvert o balewalain ang mandato ng mamamayan sa pamamagitan ng hindi pagpapahintulot ng eleksyon.

‎Binigyang-diin ng senador na kung patuloy na ipagpapaliban ang halalan ay maaaring muling sumiklab ang kaguluhan sa Mindanao, partikular sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

‎Kaugnay nito, umaasa si Zubiri na ideklarang constitutional ng Korte Suprema ang Bangsamoro Autonomy Act No. 86 upang matiyak ang tuloy-tuloy na proseso ng eleksyon at mapanatili ang kapayapaan sa rehiyon.