Isang lalaki ang nasawi habang isa naman ang sugatan matapos pagbabarilin sa Sitio Rajapandalat, Barangay Dalembong, nitong March 8, 2026.
Sakay ng isang Suzuki Raider R150 Fi, ang mga biktima na sina alias ‘Otrex’ ng Sitio Itil, Brgy. Bamalibi, Shariff Aguak, at Kiri Samal ng Brgy. Manungkaling, Mamasapano, ay biglaang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin.
Dahil sa pamamaril, namatay sa si “Otrex” matapos tamaan sa ulo at katawan, samantalang si Kiri Samal ay nagtamo ng tama sa kanang paa at agad dinala sa ospital. Ayon sa pulisya, tumakas ang mga suspek patungo sa hindi pa natutukoy na direksyon.
Agad namang inilunsad ng Shariff Saydona Mustapha MPS ang hot pursuit operation at nakipag-ugnayan sa karatig pulisya upang matukoy at mahuli ang mga salarin. Patuloy ang imbestigasyon upang malaman ang motibo sa krimen at matukoy ang mga suspek.















