Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pansamantalang pagsuspinde sa nakatakdang taas-pasahe sa buong bansa, sa kabila ng pagtaas ng presyo ng langis.
Ayon sa opisyal na pahayag, tiniyak ng Pangulo na magbibigay ang pamahalaan ng subsidiya sa mga sektor na direktang apektado ng pagtaas ng pasahe, kabilang ang transport sector.
Nakatakda sanang ipatupad ang fare hike bukas, Marso 19, ngunit sa utos ng Pangulo, ipinagpaliban muna ang implementasyon habang pinag-aaralan ang mga hakbang upang mapagaan ang epekto nito sa mga pasahero.

















