Students at the University of Southern Mindanao take part in Project Pastil, a Globe program, in collaboration with Ayala Foundation, that reinforces safe internet practices, ethical AI skills, and digital entrepreneurship in Mindanao.

‎NAKATANGGAP ng tulong ang mga estudyante sa Mindanao sa bagong programang nagpapalakas ng kaalaman sa digital, tamang paggamit ng AI, at pagnenegosyo.
‎
‎Inilunsad ang programang tinawag na Project Pastil matapos ang pagdiriwang ng Safer Internet Day 2026.
‎
‎Pinangunahan ito ng Globe Telecom at Ayala Foundation sa University of Southern Mindanao sa bayan ng Kabacan.
‎
‎Ayon sa mga organizer, kinuha ang pangalang “Pastil” mula sa murang pagkain ng mga estudyante bilang simbolo ng pagbibigay kaalaman sa kabataan.
‎
‎Layunin ng programa na turuan ang mga estudyante na maging responsable sa paggamit ng internet at labanan ang online abuso sa kabataan.
‎
‎Ginawang pilot area ang University of Southern Mindanao na kilala sa mga programa nito sa agham, teknolohiya, at agrikultura.
‎
‎Nagsagawa rin ang Globe ng training sa ilalim ng Digital Thumbprint Program tungkol sa online safety, cybersecurity, at tamang paggamit ng AI.
‎
‎Umabot sa 40 student leaders at estudyante ang lumahok sa workshop.
‎
‎Tinuruan sila ng mga paraan kung paano maging ligtas at responsable sa paggamit ng digital platforms sa eskwela at komunidad.
‎
‎Kasama rin sa programa ang Globe Ambassador Program kung saan binigyan ang piling estudyante ng SIM card at 5G smartphones.
‎
‎Layunin nito na mabigyan sila ng dagdag kaalaman at pagkakakitaan habang nag-aaral.
‎
‎Ayon sa Globe, mahalaga ang tamang gabay sa paggamit ng teknolohiya para sa magandang kinabukasan ng kabataan.
‎
‎Suportado naman ng unibersidad ang programa dahil makakatulong ito sa pag-aaral at kabuhayan ng mga estudyante.
‎
‎Inaasahan na palalawakin pa ang Project Pastil sa iba pang lugar upang mas marami pang kabataan ang matulungan.