Nagbabala ang isang mambabatas na posibleng maramdaman sa hapag-kainan ang tuloy-tuloy na pagmahal ng liquefied petroleum gas o LPG, pati na rin ng kerosene.

Ayon kay Senior Citizens party-list Representative Rodolfo Ordanes, maaaring maapektuhan ang dami at laki ng servings na inihahain sa mga karinderya dahil sa tumataas na gastusin sa pagluluto.

Paliwanag pa nito, hindi lamang sektor ng transportasyon ang tinatamaan ng paggalaw ng presyo ng langis, kundi pati na rin ang industriya ng pagkain na direktang umaasa sa LPG sa kanilang operasyon.

Dahil dito, posibleng mapilitan ang ilang restaurant, panaderya, at maliliit na kainan na maghanap ng alternatibo tulad ng paggamit ng uling upang makatipid sa gastusin.

Matatandaang nitong unang araw ng Abril ay ipinatupad ang dagdag-presyo na limang piso kada kilo ng LPG, na inaasahang susundan pa ng panibagong pagtaas sa mga susunod na araw.