Naglabas ng pahayag si Atty. Lanang Ali Jr. kaugnay ng naging pahayag ni BARMM Chief Minister Abdulraof Macacua laban sa kanya.
Una niyang inilahad ang taos-pusong paumanhin kay CM Macacua at sa mga Bangsamoro na maaaring naapektuhan ng kanyang mga opinyon, paniniwala, at paninindigan sa social media.
Giit ng abogado, kinikilala niya ang damdamin ng mga kritiko, bashers, at haters, at pinasasalamatan niya ang mga ito dahil aniya ay nagiging pagkakataon ito para sa pagkatuto.
Binigyang-diin pa niya na kinikilala niya ang karapatan ng bawat isa sa malayang pagpapahayag ng opinyon na ginagarantiyahan ng Konstitusyon.
Pinaalala rin niya na mahalaga ang paggalang sa opinyon ng iba sa kabila ng pagkakaiba ng pananaw sa social media.
Sa huli, nanawagan si Atty. Lanang na magpokus ang mga Bangsamoro sa mga isyu, sa “jihad,” at sa mga prinsipyo.
Samantala, wala pa siyang ibinibigay na karagdagang pahayag kaugnay ng mga paratang o pahayag na nauna nang ibinato laban sa kanya.

















