Nilinaw ni Atty. Allanudin Sulaik Hasaan na hindi umano lahat ng mga kumander ang tinukoy niyang “weak-willed” sa kanyang naunang pahayag kaugnay ng paglipat ng ilang miyembro mula sa United Bangsamoro Justice Party patungo sa Bangsamoro Federalist Party.
Ayon sa abogado, tanging iilang mga kasapi lamang umano ang kanyang tinutukoy, partikular ang mga piniling lumipat ng partido upang labanan ang UBJP.
Kasabay nito, hinamon din ni Atty. Hassan si MP Atty. Kitem Kadatuan Jr. sa isang public debate upang linawin ang magkabilang panig sa isyu.
Giit pa nito, walang bahagi sa kanyang orihinal na pahayag na nagsasabing lahat ng mga kasapi o kumander ay mahina ang loob.
Ang naturang paglilinaw ay kasunod ng naging reaksyon at pagbatikos mula sa ilang lider, kabilang si Kadatuan, na nanawagan ng mas maingat at may paggalang na paggamit ng salita sa gitna ng umiinit na usapin sa politika sa Bangsamoro.

















