Pinag-aaralan sa Singapore ang pagpapalakas ng mga patakaran sa disiplina sa mga paaralan, kabilang ang paggamit ng corporal punishment sa piling kaso bilang last resort.
Ayon sa ulat, tinalakay ng Ministry of Education sa pamumuno ni Education Minister Desmond Lee ang posibilidad na pahintulutan ang “caning” o pagpalo sa mga estudyante sa ilalim ng mahigpit na kondisyon at alituntunin.
Nilinaw ng opisyal na hindi ito maaaring basta-basta ipatupad, dahil kailangan pa rin ang pahintulot ng school principal at dapat isagawa lamang ng mga awtorisadong guro, matapos mabigo ang iba pang paraan ng disiplina.
Binigyang-diin din na ang naturang hakbang ay bahagi ng patuloy na pagrepaso ng Singapore sa mga polisiya nito sa school discipline, na layong palakasin ang kaayusan at pag-uugali ng mga mag-aaral sa loob ng paaralan.

















