Umabot sa panibagong rekord na P18.49 trilyon ang utang ng Pilipinas noong buwan ng Marso, ayon sa Bureau of the Treasury.
Lumaki ang kabuuang utang dahil sa paghina ng piso at pagtaas ng pangungutang ng bansa.

Ang pinakahuling tala ay halos tumaas ng 2 porsyento kumpara sa P18.16 trilyon na naitala noong Pebrero.

Ayon sa Bureau of the Treasury, tumaas ang domestic debt sa P12.53 trilyon o nadagdagan ng P55.4 bilyon mula sa mga nakaraang buwan.

Pangunahing dahilan nito ang net issuance ng government securities na umabot sa P46.72 bilyon.

Dagdag pa ng ahensya, ang paghina ng piso ay nagdagdag ng P8.68 bilyon sa halaga ng mga utang na nakabase sa foreign currency.

Samantala, patuloy na nakaranas ng pressure ang piso noong Marso dahil sa paglakas ng US dollar kasabay ng tumitinding tensyon sa Middle East.